pagkatapos ng mahigit isang taon kong pagiging isang napakagaling na tao, eto ako at magsusulat ng muli, sa isang napakahabang panahon kong nawala ay marami akong natutunan sa buhay ko. sa bawat tagumpay, at pagkatalong dumaan sa muka ko. sa bawat halakhak at luhang ibinigay sa akin ng sinumang nkatataas sa atin. ngaun pumapasok sa utak ko kung gano ko kawalang kwenta matapos ang ilang daang oras na sinayang ko sa isang bagay na ipinagtanggol ko ang katuturan sa karamihan at inilagay sa pinakamataas sa aking mga prioridad sa buhay. sabi ko sa lahat ng nkakausap ko na napakaganda nito para sa buhay ng tao, dahil kahit kailan hindi ka iiwan nito. hanggat nanjan ka, nanjan ito para sau. naadik ako, parang drogang umuubos sa laman ng utak ko, laman ng bulsa ko at ng oras ko. hinayaan ko lang sapagkat naniniwala ako na hindi nito ako iiwan. ipinagpalit ko ito sa napakaraming bagay. sa pag-aaral, sa babae,sa pagkain, sa perang maiipon ko at sa lahat ng naiicp ko. ganun kahalaga ang bagay na un sakin.
pagkatapos ng mahigit isang taon kong pagiging isang napakagaling na tao, eto ako ngaung summer ineligible akong mag enrol dahil bagsak ako ng dalawang beses sa math 55, ang pinakamadali raw sa 50 series ng math, tres ako sa karamihan ng subject ko, hindi lang naman ang inakala kong napakahalagang bagay ang sumira sa buhay ko, marami pang ibang mga bagay, kung tutuusin kung makakausap ko ang mga tao ay wala nmn talaga silang kasalanan, kasalanan ko lahat, hindi nmn nila ako pinilit na sumama. ginusto kong sumama dahil gs2 kong makasama. ngunit dumating ang oras na hndi na ako nakakasama, naiiwan na ko ng takbo ng aking sinasanto. kapiling ko parin sa bahay ang diyos ko ngunit hindi pala iyon ang iiwan sau, at hindi pala iyon ang mahalaga. hindi ako iniwan ng santo ngunit iniwan ako ng mga kasamahan ko.
sa mga pangyayari marami akong napagicpan. na maxado na akong maraming nasayang na oras. na masyado ko ng napabayaan ang pagaaral ko dahil gs2 kong makasama. at dahil hindi ko na alam kung bakit kailangan ko pang gawin un.naaalala ko ang sinabi ng isang kaibigan kung bakit ginawa yung bagay na un noong nagsisimula pa lang kami. un ay upang bawiin ang ipinuhunan pag gumaling ka na. ngaun inaani ko na ang mga binhing itinanim ko sa damuhan kasma ng mga masasamang damong nakapaligid sa aking mga pangarap at sa taas ng damo ay halos hindi ko na makita ang aking itinamim, mabuti na lamang ay binibigyan pa ko ng may kapal ng pagkakataon na tanggalin ang mga damo at alagaan ang tanim ko upang hindi ito mawasak ng tukuyan.
pagkatapos ng isang yugto sa buhay ko, napatunayan kong nagkamali ako, tama ang mga magulang ko. sa bagong pahinang susulatin ko sisikapin kong gawin ang dapat kong gawin at ituwid ang aking mga pagkakamali.
tutubo at tutubo ang damo sa paligid, huwag mong hayaang lumaki pa sila bago mo tabasin.
Currently listening to: breaking a habit by linkin park